Saranggola'y lilipad sa kahel
na kalangitan
Paalam na nga ba
sa ating nakaraan?
Ngunit sa'n man tayo hipan
ng amihan
'Di ipagpapalit
ang pagkakaibigan
Oh-oh-oh, oh-oh,
oh-oh-oh, oh-oh
Kung aking uulitin,
itong mahabang byahe
Sa kada yugto ng ating
paglalakbay
Wala 'kong babaguhin,
ni isang detalye
Sa dami ba naman ng sinuong
magkasabay
Sa pagbadya ng kulimlim
na tinadhana
'Di magmamaliw,
ating mga gunita
Saranggola'y lilipad sa kahel
na kalangitan
Paalam na nga ba
sa ating nakaraan?
Ngunit, sa'n man tayo hipan
ng amihan
'Di ipagpapalit
ang pagkakaibigan
Oh-oh-oh, oh-oh
Lumang mga larawang
Naka plasta sa mga dingding
May tamis at pait
Babalikan, tambayan na tindahan
Kwentuhang magdamagang
Nung bata pa't nangangarap lang
Sa pagkagat ng realidad ng buhay
Landas nati'y sadyang
magkakahiwalay
Saranggola'y lilipad sa kahel
na kalangitan
Paalam na nga ba
sa ating nakaraan?
Ngunit, sa'n man tayo hipan
ng amihan
'Di ipagpapalit
ang pagkakaibigan
Sarado na ang kabanata,
ngunit ba't
Ayaw ko pang harapin
ang katotohanang
Hindi na nga
Tumahan patutunguhan?
Sa'n man hipan ng hanging amihan
'Di ipagpapalit ang pagkakaibigan
Salamat sa ating pinagsamahan
'Di ipagpapalit ang pagkakaibigan
'Di ipagpapalit ang pagkakaibigan
Saranggola'y lilipad sakahel
na kalangitan
Paalam na nga ba
sa ating nakaraan?
Ngunit, sa'n man tayo hipan
ng amihan
'Di ipagpapalit
ang pagkakaibigan
Saranggola'y lilipad sa kahel
na kalangitan
Pangarap na lang ba
ang ating walang hanggan?
Sa'n man tayo hipan ng amihan
'Di ipagpapalit
ang pagkakaibigan
Saranggola
Lilipad lilipad na
Saranggola
Lilipad lilipad na
Kahel na ang kulay
ng kalangitan
Saranggola
Lilipad lilipad na
No comments:
Post a Comment